^

Police Metro

Zambaleño nagdiwang ng Dinamulag Festival

Pang-masa

MANILA, Philippines — Muli na namang isi­nuot ng mga street dancer ang kanilang magagarbo at mango-inspired costumes upang maipagdiwang ang masaganang ani ng tanyag na prutas ng tag-araw at may pinakamaraming uri ng lasa sa buong bansa.

Nanatiling na­ngingibabaw ang manggang Zambales lalo na ang kalabaw na uri at tinatawag na dinamulag ayon na rin sa mga nag-organisa ng taunang Dinamulag Festival.
“We want people to come to Zambales and enjoy themselves here. Zambales is more than just a mining province, it is a rising tourist site”, pahayag ni Governor Amor Deloso.

Taong 1995, kinilala ng Guinness Book of World Records ang mga mangga mula sa Zambales bilang pinakamatamis sa buong mundo. Pinarangalan naman ng Department of Agriculture noong 2013 ang mangga ng Zambales bilang pinakamatamis na uri ng mangga sa buong kapuluan.

Marami din mga isinagawang aktibidades tulad ng Dancing competition; Zamba Tuklas Talento; I Love Zumbales Zumba Session; Ginoong Millennial Zambales at marami pa.

DINAMULAG FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with