^

Police Metro

18-anyos pipi’t bingi 40 beses sinaksak

Joy Cantos - Pang-masa
18-anyos pipi’t bingi 40 beses sinaksak
Kinilala ni Police Lt. Colonel Socrates Faltado, tagapagsalita ng MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) ang brutal na pinatay na biktima na si John Henry Orpia, isang special child at residente sa lugar.
File

Nilaslas pa ang leeg…

MANILA, Philippines — Nakapanghihilakbot ang sinapit na kamatayan ng isang 18-anyos na pipi’t bingi matapos itong tadtarin ng 40 saksak at nilaslas pa ang leeg ng ‘di pa natutukoy na suspek sa Brgy. San Rafael, Calapan City, Oriental Mindoro nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Police Lt. Colonel Socrates Faltado, tagapagsalita ng MIMAROPA  (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) ang brutal na pinatay na biktima na si John Henry Orpia, isang special child at residente sa lugar.

Bandang alas-10:40 ng gabi nitong Biyernes, ayon kay Faltado nang matagpuan ang biktima  ng residenteng si Christian Lumangaya sa madamong bahagi ng  Sitio LTO Upper, Brgy. San Rafael  ng lungsod.

Sa testimonya ni Lumangaya kasalukuyan siyang naglalakad sa harapan ng LTO Upper pauwi sa kanilang tahanan nang mapansin ang nakabulagtang biktima sa tabi ng highway sa naturang lugar.

Ayon sa opisyal may mga palatandaan na nanlaban o sinalag ng biktima ang patalim ng salarin dahil may mga sugat ito sa mga kamay at braso.

Nabatid na pauwi na ang biktima galing sa mga kaibigan nang mangyari ang krimen.

Tinitingnan ng otoridad ang anggulong hinoldap ang biktima dahil nawawala ang cellphone at wallet nito habang nakabaligtad na rin ang kanyang bulsa sa pantalon.

Sa kasalukuyan, may isang person of interest na ring tinitingnan ang mga otoridad sa kasong ito.

SINAKSAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with