Abogada na may ka-eyeball patay sa saksak
MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 31-anyos na abogada matapos siyang pagsasaksakin habang hinihintay ang katagpo kahapon ng madaling araw sa Las Piñas,City.
Kinilala ang nasawi na si Atty. Charmaine Mejia, ng Brgy. New Zaniga, Mandaluyong City.
Sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-3:30 ng madaling araw sa harapan ng FDJ Appartel sa Marcos Alvarez Avenue, Brgy. Talon 5 ng lungsod ay nagpunta roon ang biktima para katagpuin ang hindi pa kilalang tao.
Pagbaba pa lamang nito ng kanyang biktima sa kanyang kotse ay kaagad siyang sinalubong ng saksak ng hindi pa kilalang suspek.
Nang bumagsak ang biktima ay tumakas ang suspect sakay ng isang kulay pulang motorsiklo na walang plaka habang nakatawag pa ang una sa kanyang kapatid na isa ring abogada at sinabi na siya ay sinaksak. Dinala ng mga taong nagmalasakit ang biktima sa ospital, namatay din ito.
Inaalam pa ng pulisya kung sino ang taong katatagpuin ng biktima sa lugar.
- Latest