^

Police Metro

Pagbiyahe ng government officials imo-monitor ng Malacañang

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang executive order ang inilabas ng Malacañang na magtatakda ng panuntunan, regulasyon, at maging papayagang gastos at allowance ng mga opisyal at kawani ng gobyerno sa kanilang biyahe sa loob at labas ng bansa

Sa ilalim ng Execu-tive Order 77,  kailangang aprubado ng Pangulo ang opisyal na mga biyahe sa ibang bansa ng mga kalihim, pinuno ng govern­ment owned ang controlled corporations, pati board members at pinuno ng national government agencies.

Alinsunod sa EO 77 pinapayagan naman ang business class na booking sa eroplano para sa mga biyaheng apat na oras pataas ang haba.

Idinetalye rin ng EO ang papayagan lamang na halaga ng daily expenses, allowance, clothing allo­wance depende sa layo ng biyahe.

Binibigyang-diin din ng EO na bawal na ang travel junkets o ang pamamasyal sa ibang lugar gamit ang pondo ng gobyerno.

Bawal na rin magsa­gawa ng planning workshops at teambuilding sa labas ng bansa.

Inuutos din ng EO na isang buwan matapos makarating sa bansa, kailangan magpasa ng report patungkol sa dinaluhang conference at seminar, kung naging bahagi naman ng international convention ay kailangan bigyan din ng kopya ang Office of the President.

Ang kabiguang maka­pagpasa nito ay mahaharap sa disciplinary action ang mga concern na go-vernment officials.

 

GOVERNMENT OFFICIALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with