Digong binuwag na ang Road Board
MANILA, Philippines — Tuluyan nang binuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Road Board nang lagdaan nito ang bagong batas na nagbubuwag sa nasabing tanggapan.
Noong Marso 8, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11239 na bumubuwag sa Road Board na tinawag ng pangulo na corrupt na road board.
Noong 2017 ay hiniling ni Pangulong Duterte sa Kongreso na buwagin ang road board na siyang nangongolekta ng road users tax.
Nakapaloob din sa RA 11239, ang makokolektang road user’s tax ay mapupunta muna sa National Treasury.
Ayon sa Pangulo na ang bilyong pondo na nakolekta sa road users tax ay napupunta lamang sa bulsa ng mga corrupt officials kaya mas mabuting buwagin na lamang ito.
Nasa P12 bilyon ang nakokolektang road user’s tax kada taon.
Kinuwestyon naman ng Commission on Audit (COA) ang nasa P90 bilyon mula sa P160 bilyon pondo nito noong nakaraang taon na pinaniniwalaang misappropriated.
Ang dapat paglaanan ng nakokolektang road user’s tax ng road board ay para sa road maintenance at improvement ng road drainage, paglalagay ng traffic lights, road safety devices at air pollution control.
- Latest