Bagyong Chedeng magla-landfall ngayon
MANILA, Philippines — Ngayong umaga ay inaasahang magla-landfall ang bagyong si Chedeng habang palapit sa Davao region na namataan kahapon ng PAGASAsa layong 445 kilometro ng silangan ng Davao City taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 60 kilometro bawat oras.
Sa oras na landfall si Chedeng ay hihina naman ito at magiging isang low pressure area.
Signal number 1 sa Davao Oriental, Compostela Valley, Davao del Sur, Davao City, General Santos City, Davao Occidental, southern part ng Davao del Norte kasama na ang Samal Island, silangang bahagi ng North Cotabato, silangang bahagi ng North Cotabato at Sarangani.
Makakaranas naman ng kalat kalat na pag ulan sa portions of Davao region, Soccskargen, Bangsamoro at Zamboanga Peninsula.
- Latest