^

Police Metro

Tapat ako sa mamamayang pilipino-Mar

Pang-masa

MANILA, Philippines — “Ang katapatan ko ay nasa mamamayang Pilipino”.

 

Ito ang tahasang sinabi ni dating Senador Mar Roxas sa kanyang pangangampanya sa Iloilo City.

Anya, walang katotohanan ang sinabi ni  Pangulong Duterte  na wala umano siyang prinsipyo at katapatan sa Pilipinas. Paliwanag ni  Roxas, naging gabinete siya ni  dating pangulong Joseph Estrada  bilang DTI secretary at siya ang  nagtatag ng call centers habang  natulungan naman niya ang mga magsasaka na harangin ang  pagpasok ng  agricultural products mula Europa noong panahon ni dating  Pangulong  Gloria Macapagal Arroyo.

Ipinagmalaki rin ni Roxas na unti-unti rin niyang nabubuo noon ang Cheaper Medicine Law at pina­ngasiwaan niya ang Bottom-Up-Budgeting noon panahon ni  dating Pangulong Noynoy Aquino kung saan ang mismong  residente ng  lungsod at mga lalawigan ang siyang  maglalahad ng kanilang mga gastusin.

Magugunita na sinabi ni Pangulong Duterte na “Just because you are a namesake of Roxas doesn’t mean you are good. This person has no loyalty, without principles” .

vuukle comment

MAR ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with