Malaking plaka sa motor batas na
MANILA, Philippines — Batas na ang paglagay ng malaking plate number sa mga motorsiklo.
Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11235 o “Motorcycle Prevention Act” na kung saan ay saklaw din nito ang mga tricycle.
Magiging color-coded na rin ang registration ng motorcycle para sa madaling malaman kung saang lalawigan o rehiyon nakarehistro ang motorsiklo kung sakaling nasangkot sa krimen o aksidente.
Layunin ng mas malaking plate number sa mga motorsiklo na madaling makita at ma-identify ito dahil may plaka sa harap at likod ng motorsiklo.
Ang lalabag sa bagong batas na ito ay mapaparusahan ng prison correctional o pagkakulong ng anim hanggang labing dalawang taon o ‘di kaya’y multa ng aabot mula sa P50,000-P100,00 ang kakaharapin ng sinumang lalabag sa bagong lagdang batas.
Inatasan naman ang DILG na matiyak sa lahat ng LGUs na mayroon itong impounding area gayung kasama sa parusa ang pagkumpiska sa motorsiklo o traysikel ng isang violator.
- Latest