Duterte naglabas ng galit sa brutal na pagpatay sa dalagita
MANILA, Philippines — Inilabas kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang sobrang galit sa brutal na pagpatay sa isang 16-anyos na dalagita sa Lapu-Lapu City, kamakailan.
Sa kanyang pahayag sa lalawigan ng Isabela ay sinabi ni Duterte na hindi niya matanggap ang brutal na pagpatay kay Christine Silawan, Grade 9 student na natagpuang patay noong Lunes sa isang bakanteng lote na sinaksak at binalatan ang mukha habang nawawala rin ang panty nito.
“Kahapon, may pinatay ‘yung mga p***** i** niya, binalatan ang mukha” wika ni Duterte sa campaign sortie ng kanyang political party.
“I kiss women. Hindi ‘yun rape. Minsan may mag-sabi na halikan mo ako, yakapin mo ako. ‘Yung naman ganon, wala ‘yung... T*** i**, patayin mo tapos balatan mo,” dagdag nito.
Ang bangkay ni Silawan ay natagpuan sa isang bakanteng lote sa Sitio Mahayahay, Bankal, Lapu-Lapu City.
Isang testigo ang hawak ng pulisya na nakita niyang ginagahasa si Silawan ng tatlong lalaki bago ito pinatay.
Dahil sa ginawang brutal na pagpatay kay Silawan ay muling nabuhay ang panawagan na ibalik ang death penalty.
“I have three years left. I will make it the most dangerous time of your lives, as a drug pusher, drug lord, or whatever [applause] son of a b**** you are. Hindi kita palulusutin,” sabi pa ng Pangulong Duterte.
- Latest