Joy Belmonte, isinusulong ang early detection ng breast at cervical cancer
MANILA, Philippines — Hinimok ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mga kababaihan na maging maagap at sumailalim sa breast at cervical cancer screening ngayong women’s month para malaman ng maaga kung mayroon mga sintomas para agad malunasan.
Anya, ito ang tamang panahon para maisip ng mga kababaihan ang kapakanan ng kanilang kalusugan dahil minsan ay nakakalimutan ito ng ilang ina dahil mas inuuna ang kapakanan ng mga anak.
Nitong Miyerkules, naglunsad ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng libreng breast at cervical cancer screening caravan, sa pakikipagtulungan sa Philippine Cancer Society (PCS), na magbibigay ng serbisyo sa iba’t ibang barangay sa lunsod bilang bahagi ng selebrasyon ng women’s month ngayong Marso.
Binahagi rin ni Belmonte na personal niyang sinusuportahan ang adbokasiya sa women health care dahil isa ang kanyang yumaong ina na si Betty Go-Belmonte sa mga dumanas nito na nagresulta sa iba’t ibang komplikasyon na naging dahilan ng kamatayan nito noong 1994.
- Latest