Life hatol sa miyembro ng Sinaloa drug cartel
MANILA, Philippines — Pagkakulong ng habambuhay ang naging hatol ng Makati City RTC-Branch 63 Judge Selma Palacio-Alaras kay Horacio Hernandez Herrera, 43, miyembro ng Mexican Sinaloa Drug Cartel na guilty sa kasong drug trafficking.
Bukod, sa habambuhay na pagkabilanggo, inutusan din ng korte si Herrera na magbayad ng P500,000 hanggang P10 milyon bilang moral damages.
Batay sa record ng korte, nadakip si Herrera nang pinagsanib na puwersa ng PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Enero 11, 2015 sa parking lot ng Berjaya Hotel sa Makati Avenue sa isang buy-bust operation at makuhanan ito ng 2,000 gramo ng cocaine kapalit ng P12 milyon boodle money.
Ang Sinaloa Drug Cartel na kinaaaniban ng akusado ay isang organisadong sindikato, na nakabase sa Mexican State ng Sinaloa at ikinokonsidera ng United States Intelligence Community na pinakamakapangyarihang illegal drug organization sa buong mundo.
- Latest