Kailangan ang pangmatagalang solusyon kontra sunog - Joy B
MANILA, Philippines — Dahil sa mga sunod-sunod na sunog sa komunidad ng mga informal settler families (ISFs) sa QC ngayong taon ay nais ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pangmatagalang mga solusyon na higit na kailangan upang puksain ang pagdami ng mga insidente ng sunog sa lungsod.
Anya, karamihan ng ugat ng sunog ay electrical wiring bunga ng overloading kayat mas mainam na magkaroon ng mas sustainable solutions sa problema ng laging nasusunog.
Sinabi ni Belmonte na marami sa mga settlements ang nasusunugan ngayong taon ay nasunugan na dati.
Upang tumugon sa problema, nakipagtulungan si Belmonte kasama ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office, Meralco, Red Cross, at Bureau of Fire Protection para sa isang Fire Prevention Education Program na ilulunsad ngayong buwan
Layunin ng programa na turuan ang mga ISFs kung paano maiwasan ang sunog sa kanilang mga tahanan, paano maiwasan ang overloading, at paano siguraduhing hindi hahantong sa sunog ang pagluluto at iba pang gawain sa tahanan na gumagamit ng apoy.
- Latest