^

Police Metro

Durugin ang ‘godless criminals’!

Rudy Andal, Gemma Garcia, Rhoderick Beñez - Pang-masa
Durugin ang âgodless criminalsâ!
Sa ulat ni Colonel Gerry Besana, tagapag­salita ng Armed Forces of the Philippines West­ern Mindanao Command na sumabog ang unang bomba bandang alas-8:30 ng umaga sa gitna ng misa at ilang minuto lang ang lumipas ay isa pang pagsabog ang naganap sa parking area ng simbahan
AFP-PIO

20 patay, 81 sugatan sa Jolo twin blast...

MANILA, Philippines — Nangako ang Palasyo ng Malaca­ñang na tutugisin at dudurugin ang mga “godless criminals” na nasa likod nang magkasu­nod na pagpapasabog sa loob at labas ng simbahan kahapon ng umaga sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng 20 katao at pagkasugat ng 81 iba pa.

Tinawag ni Presiden­tial spokesperson Salva­dor Panelo ang insidente na isang uri ng “act of terrorism” na kung saan ay hinahamon ang kapa­bilidad ng pamahalaan

para sa pagbibigay ng se­guridad sa nasabing lugar.

“The Armed Forces of the Philippines will rise to the challenge and crush these godless criminals. We will pursue to the ends of the Earth the ruth­less perpetrators behind this dastardly crime until every killer is brought to justice,” pahayag ni Panelo.

Nabatid na 20 tao ang namatay kasunod ng pagsabog ng dalawang bomba sa loob ng Our

Lady of Mount Carmel Cathedral at sa labas nito na kinabibilangan ng 15 sibilyan at 5 sundalo at nasa 81 ang nasugatan.

Sa ulat ni Colonel Gerry Besana, tagapag­salita ng Armed Forces of the Philippines West­ern Mindanao Command na sumabog ang unang bomba bandang alas-8:30 ng umaga sa gitna ng misa at ilang minuto lang ang lumipas ay isa pang pagsabog ang naganap sa parking area ng simbahan

habang rumeresponde ang puwersa ng gobyerno sa naunang pagsabog.

Nangyari ang pagsa­bog ilang araw lamang matapos maratipika ang Bangsamoro Organic Law (BOL), na mag­bibigay daan sa pagtatag ng bagong rehiyon sa Mindanao at magbibigay sa mga Muslim doon ng mas malawak na kapang­yarihang pamahalaan ang kanilang sariling rehiyon.

Pero para kay Na­tional Security Adviser Jun Esperon, masyado pang maaga para sabihing konektado ang mga pagsabog sa plebisito sa Bangsamoro, na ba­hagi ng isang kasunduang pangkapayapaan sa pagi­tan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa Sulu, nagwagi ang mga botong “yes” para mapabilang ang lalawigan sa bubuuing Bangsamoro region.

ACT OF TERRORISM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with