^

Police Metro

Lady trader niratrat, dedo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang negosyanteng babae nang pagbabarilin ng ‘di pa natutukoy na ri­ding-in-tandem makaraang dikitan ang minamaneho nitong sasakyan sa Tandang Sora, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tinamong tama ng bala ang biktimang si Consuelo Go, 50, negosyante na nakatira sa No.11 Bayanihan St., Baesa Road, Barangay Sta Queteria, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Edwin Dela Cruz, nabatid na ang krimen ay naganap dakong alas-9:00 ng gabi sa Mindanao Ave. malapit sa Min­danao Market, sa naturang lugar.

Ayon sa report, sakay ang biktima ng kanyang kotse na Toyota Vios na may plakang WOB-440 at binabagtas ang Min­danao Avenue nang aba­ngan, sundan at barilin nang malapitan ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Tiniyak ng dalawang suspek na patay ang biktima dahil sa rami ng tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang tinamo  nito.

Apat na basyo ng bala ang narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng krimen.

DEDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with