^

Police Metro

Illegal vendors, tambay sa Baywalk pinalayas

Ludy Bermudo - Pang-masa
Illegal vendors, tambay sa Baywalk pinalayas
Pinaalis ng pulisya at kagawad ng Manila City Hall ang mga illegal vendors, tambay at mga natutulog sa kahabaan ng Baywalk bilang suporta sa pamahalaan ng pag­buhay sa Manila Bay na nakilala sa ganda ng sunset view sa lugar.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Upang mas maging kaaya-aya at mapakinabangan ng mga namamasyal ang Baywalk ay nagsagawa kahapon nang paglilinis ang puwersa ng Manila City Hall at Manila Police District at pinalayas ang mga illegal vendors, tambay at taong grasa.

Sa ulat, bandang alas-7:00 ng umaga nang isagawa ng Manila Department of Social Welfare, Department of Public Services, Manila Action and Special Assignment at City Security Force ang ope­rasyon at clean up drive sa Manila Bay.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada na ang clean up drive sa kahabaan ng Baywalk sa Roxas Boulevard ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na buhayin ang Manila Bay.

Inatasan ni Estrada ang mga otoridad na pairalin ang maximun tolerance sa mga sisitahin at paaalising vendors at tambay.

Nakahakot ang DPS ng sangkater­bang basura sa Baywalk at nangako na regular na lilinisin ang kahabaan ng Roxas Blvd.

ILLEGAL VENDORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with