^

Police Metro

108 Chief of Police sa Region 1 binalasa

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isinailalim sa malawakang balasahan ang 108 hepe ng pulisya sa Region 1 upang hindi umano mabahiran ng pulitika kaugnay ng nalalapit na pagdaraos ng midterm elections sa Mayo ng taong ito.

Ayon kay Region 1 Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, ito’y bahagi ng Oplan SAFE (Secure And Fair Election) para sa midterm elections upang maiwasang maimpluwensyahan ng pulitika ang mga hepe ng pulisya mula sa Ilocos Region, Pangasinan at  La Union.

Nasa 125 ang mga bayan at lungsod sa Region 1,pero 108 lamang ang binalasa dahil katatalaga lamang ng ibang hepe habang ang iba naman ay matagal ng nanunungkulan sa kanilang bayan.

Nabatid pa na may mga kamag-anak na tumatakbo sa halalan ang karamihan sa mga hepe na isinailalim sa revamp habang ang iba pa ay masyadong naging malapit sa mga kumakandidatong lokal na opisyal dito partikular na sa mga alkalde at bise alkalde.

Una nang nagbabala si PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde na sisibakin sa puwesto na posible pang madismis ang mga hepe ng pulisya, Provincial Director at maging ang mga Regional Director na mapapatunayang kumikiling sa mga pulitiko.

ROMULO SAPITULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with