^

Police Metro

45 na ang patay kay ‘Usman’

Jorge Hallare, Gemma Garcia - Pang-masa
45 na ang patay kay ‘Usman’
Ang bangkay ng pamilya De Lima na nahukay matapos matabunan ang kanilang bahay ng gumuhong lupa mula sa bundok habang nasa kasarapan ng tulog sa kasagsagan ng bagyong Usman sa bahay sa Baao, Camarines Sur.
Jorge Hallare

Karamihang nasawi ay natabunan ng lupa...

MANILA, Philippines — Umabot na sa 45 katao ang kumpirmadong nasawi habang marami pa ang patuloy na nawawala sa nangyaring mga landslide at pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Kabikolan sanhi nang malakas na pagbuhos ng ulan dala ng bagyong Usman hanggang kahapon.

Sa ulat ni Chief Inspector Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng PRO-5 (Bicol),15 bangkay ang nahukay kahapon sa naganap na landslide sa Brgy. Asiao, Bacon District, Sorsogon City na ang ilang nasawi ay kinilalang sina Dominador Esquivel, 30; at Franklin Olavere, 67.

Nahukay rin ang mga bangkay nang mag-aamang Ranel Consulta, 38; Charmine,  8; at Jasmine, 7, sa natabunan nilang bahay sa Brgy. Maynonong, Tiwi, Albay.

Sa Brgy. Bariis sa nasabing bayan ay nahukay naman ang bangkay ni Ruben Convencido.

Limang miyembro ng isang pamilya ang nahukay matapos matabunan nang gumuhong lupa ang kanilang bahay habang mahimbing slang natutulog sa kanilang bahay sa Zone-6, Brgy. San Vicente, Baao, Camarines Sur dakong alas-12 ng hatinggabi. Nakilala ang mga nasawi na sina Babylyn De Lima, 29; Jielyn De Lima, 14; Jieben De Lima, 12; Benjie De Lima,10; at Vince Jersey Biag, 1-taong gulang.

Natagpuan na rin ang bangkay ni John Loyd Bron, 3, na kasamang inanod ng baha sa Sitio Naon, Brgy. 4, Poblacion, Garchitorena habang pinaghahanap ang nawawala nitong kapatid na si John Mark Bron, 2.

Nauna na rito nasawi ang mag-anak na Mauro Alegre, 26; Mia Loreto Alegre, 20; at anak nilang si Marco, 3, matapos matabunan ng gumuhong bundok ang kanilang bahay habang natutulog sa Purok-1, Brgy. San Francisco sa Legazpi City.

Sa Sorsogon nasawi dahil sa landslide ang mga biktimang sina Angelina Gerona, 91, ng Brgy. Palale, Bulan; Ge­rald Despabiladeras,14; at Gilbert Desunia, 22, pawang ng Bacon District ng Sorsogon City at patay dahil sa pagkalunod si Jaime Morico,70, ng Brgy. Managanaga sa bayan ng Bulan. Patuloy na pinaghahanap ang isang construction worker na kinilalang si Magno Deocareza, 40, na natabunan nang gumuhong lupa sa Brgy. Asiao, Bacon District, Sorsogon City.

Sa Camarines Sur patay rin dahil sa landslide sina Charles Las Penas, 51, at Charles Luzande,11, ng Brgy. Gubahoy, Lagonoy.

Sa Masbate, nasawi rin sanhi nang pagkalunod sa baha sina Susana Celesti, 46, at Minang Celesti Macahilig,11, at Rosana Celesti Macahilig, 9, pawang residente ng Brgy.Nonoc, Claveria; Juan Francisco, 44 , ng Brgy. Marintoc, Mobo; Manilyn Catarinin, 27; ng Brgy. Dapdap, Uson, Teresita Fapiliajara, 53, ng Brgy. Mandali, Mobo habang namatay matapos mahulog sa kahoy si Jun Nerza, 50, ng Brgy. Dacu, Mobo. Nawawala naman dahil sa baha si Bobby Santos Macahiti, ng Brgy.Nonce, Claveria.

BAGYONG USMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with