Mga baril ng mag-amang Garin, kinansela
MANILA, Philippines — Agad na ipinakansela ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde ang lisensya ng mga baril na naiisyu sa mag-amang sina Iloilo 1st District Rep. Richard Garin at ama nitong si Guimbal Mayor Oscar Garin matapos ang insidente ng pambubugbog ng mga ito sa isang pulis sa pampublikong plaza ng kanilang bayan noong Miyerkules sa lalawigan ng Iloilo.
“Effective today, I have ordered the cancellation of all Permits to Carry Firearms outside of Residence (PTCFOR) and License to Own and Possess Firearms (LTOPF) issued by the PNP in favor of Iloilo 1st District Rep. Richard Garin and incumbent Mayor Oscar Garin of Guimbal, Iloilo as an administrative action to their involvement in a criminal case involving the use of firearms,” pahayag ni Albayalde.
“Rep. Richard Garin and Mayor Oscar Garin will be duly notified of this administrative sanction to their privilege to own and possess firearms pursuant to Republic Act 10591, and will be commanded to immediately turn-in all their registered firearms to the PNP,” anang PNP Chief .
Nabatid na si Rep. Garin ay may nakarehistrong 11 baril tatlo rito ay mga paso na ang lisensya habang si Mayor Garin naman ay may walong baril, lima rito ay napaso na ang mga lisensya.
Inendorso rin ni Albayalde sa NAPOLCOM en banc ang rekomendasyon ng Western Visayas Police para bawiin na ang deputasyon ni Mayor Garin sa superbisyon at kontrol sa lokal na pulisya ng Guimbal bunga ng insidente.
Tiniyak naman ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na papatawan ng kaparusahan sa kasong administratibo ang alkalde at tatanggalan ito ng kapangyarihan sa lokal na pulisya sa kanilang bayan.
- Latest