Joy B lulusawin ang ‘culture of corruption’
MANILA, Philippines — Sa pamamagitan ng mga ipapairal na reporma sa oras na mabigyan na pagkakataon na maging punong lungsod sa Quezon City ay lulusawin ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang “culture of corruption”.
Sinabi ni Belmonte sa kanyang talumpati sa harap ng mga barangay officials na siya ay nakakatanggap ng mga reklamo sa kasalukuyang pagpoproseso ng dokumento sa lungsod kayat planong gawing mas kumbinyente sa lahat ang anumang transaksyon sa city hall.
“Halimbawa sa city hall, hindi puwede na lagi na lang may nagrereklamo na lagi na lang sila pinapabalik-balik. Dapat malaman na kaagad ng mga tao kung ano ‘yung status ng papel nila ganoon na rin kung saan naiipit, at ano ang dahilan kung bakit hindi agad naipo-proseso,” pahayag ni Belmonte.
Anya, masyadong bumabagal ang pagresponde ng local na pamahalaan kung mahaba ang proseso sa sistema ng pagtulong sa mamamayan lalo na sa barangay level.
“What happens nowadays, may nasirang street light lang, bago aksyunan dadaaan muna kay kagawad, kay kapitan, kay konsehal at kung saan-saan pa bago makarating ‘yung problema sa task force na pinaka-concern sa bagay na ‘yon. That’s the problem, if we are able to address that, that’s the time when we can create a culture where people look highly at the government. Tataas ang tingin sa pamahalaan dahil nakikita nila na may tumutugon sa mga suliranin nila. We want to make that happen.” paliwanag pa ni Belmonte.
- Latest