Police Ops: 20 katao naaresto
MANILA, Philippines — Dalawampung katao kabilang ang isang mag-asawa ang naaresto ng mga otoridad sa magkakahiwalay na police operations sa Quezon City.
Ang mag-asawang suspek ay kinilalang sina Jefferson Morales, 36, at Jumalyn Morales, 32, kapwa residente ng Quiapo, Maynila ay naaresto kahapon ng dakong alas- 4:45 ng madaling araw sa Union Civica St., Brgy. San Isidro, Galas.
Naaktuhan ang mag-asawa na iniaabot ang shabu sa kanilang kliyente na agad namang nakatakas.
Naaresto rin sina Ronald Zonio, 40; Eduardo Pudol, 32; Ronaldo Evangelista, 43, at Bryan Caparas, 25, pawang naninirahan sa Brgy. Tatalon dakong alas-4:30 ng madaling araw sa Kaliraya St., Brgy. Tatalon at nasamsam sa kanila ang limang sachets ng shabu.
Dinakip din ng Anti-Criminality Law Enforcement Operation (ACLEO) sina Hero Evangelista, 27, ng Brgy. Sto. Domingo; Angelo Santos, 21, ng Brgy. Manresa; Alvin Vargas, 28, ng Brgy. Holy Spirit; Christopher Yap, 33, ng Brgy. Culiat; Michael Barimbao, 30; Rey Somido, 21; Ramsell Cisnero, 35; Dazel Ortil, 26; isang 15-year na binatilyo; pawang naninirahan sa Brgy. Manresa; Ryan Rendorio, 32; Rose Abdula, 41; Diosdado Maizo, 58; Ferdinand Esler, 21; Cherrylyn Quinto, 39.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa QCPD jail.
- Latest