Hustisya sa mga taga Negros, isusulong
MANILA, Philippines — Isusulong ni dating Negros Rep. Jing Paras sa Korte Suprema na mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng P80 milyong pondo ng bayan ng Guihulngan sa Negros.
Ito ay makaraang mapawalang saysay ng graft court ang apat na kasong graft ni Guihulngan Negros Mayor Ernesto Reyes kaugnay ng pag-overpriced sa construction works at kawalang bidding sa mga proyektong pinasok ng bayan na ginastusan umano ng P80 milyon.
Sinabi ni Paras na siya ay naniniwalang may hustisya pa ring makukuha ang kanyang mga dating mga constiuents na nagsampa ng kasong 4 counts ng graft kay Reyes sa graft court may sampung taon na ang nakakaraan.
Sinabi ni Paras na magsusumite ang kanilang panig ng motion for reconsideration sa Sandiganbayan 1st Division kaugnay ng kaso sa loob ng susunod na 15 araw dahil hindi nila maisip paano napawalang sala si Reyes gayung sapat ang isinumiteng ebidensiya laban dito.
- Latest