Bong Revilla absuwelto sa plunder Napoles, Cambe guilty...
MANILA, Philippines — Pinawalang sala kahapon ng Sandiganbayan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa kasong plunder kaugnay sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam case.
Ang dalawa nitong kapwa akusado na sina Janet Lim Napoles at Richard Cambe ay nahatulang guilty ng Sandiganbayan.
Si Revilla, kasama sina dating Senators Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada, ay inakusahan na tumanggap ng mga kickback mula sa umano’y pork barrel scam mastermind na si Janet Lim Napoles kapalit ng pagbibigay ng pondo sa mga bogus non-government organizations.
Si Revilla ay inakusahan ng mga prosecutor na ibinulsa ang P224 milyon na discretionary funds habang siya ay senador. Nahaharap pa rin si Revilla sa magkahiwalay na PDAF graft cases at nakulong ito sa Police Custodial Center sa Camp Crame simula 2014.
- Latest