Retiradong police major, itinumba
MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang retiradong police major nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng hapon sa Pasay City.
Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si dating Chief Insp. Roberto Razon, 52, ng Metro Real, Montalban, Rizal. Habang nakaligtas sa kamatayan ang dalawang babaeng sakay nito na sina Menchie Ramos at Florabelle Legazpi, kapwa nasa hustong gulang.
Sa inisyal na ulat, bago nangyari ang ambush dakong alas-12:09 ng tanghali sa panulukan ng Diokno Boulevard at Parkway St., ay kagagaling lamang ng biktima sa pag-inspection sa mga security guard ng Solaire Hotel and Casino.
Habang minamane- ho ang isang kulay itim na Toyota Vios (AAY-2359) sakay sina Ramos at Legazpi at binabagtas ang lugar ay biglang sumulpot ang isang motorsiklo na sakay ang dalawang suspek.
Bumunot ang angkas at pinagbabaril ang kotse ng biktima at nang masigurong nasapol si Razon ay tumakas ang mga ito.
Ang biktima ay dating hepe ng Regional Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group.
- Latest