Manila Dialysis Center pinalawak pa
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Manila Mayor Joseph Estrada na mas marami pang pasyente ang maseserbisyuhan ngayon ng Manila Dialysis Center sa karagdagang dialysis machine at palapag nito.
Ayon kay Estrada, ito lamang ang kanyang nakikitang paraan upang masuklian ang suportang ibinigay ng mahihirap sa kanya simula ng kanyang pag-aartista hanggang maluklok siya sa pagkapangulo ng bansa at manungkulan bilang alkalde ng lungsod.
Taong 2014 nang 26 machine ang unang ilagay at dinagdagan ng 29 machine pa sa pagpapasinaya sa ikatlo at ikaapat na palapag ng MDC.
Ani Estrada,mahal ang magpadialysis kung kaya’t naisip niyang itayo ang MDC na makatutulong sa mga pasyente.
- Latest