Burnham park scandal: Magsyotang estudyante tiklo sa oral sex
MANILA, Philippines — Dalawang estudyanteng magkasintahan ang inaresto matapos na maaktuhan ang mga ito na nago-oral sex sa Children’s Park, Burnham Park, Baguio City kamakalawa ng gabi.
Ang mga nasakote ay kinilalang sina Jordan Alcayde, 25, estudyante ng Green Valley Baguio City at nobya nitong si Jansen Gat-eb, 19, residente naman ng Sumulong Street sa nasabing lungsod.
Batay sa ulat ng Cordillera Police, bandang alas- 8:30 ng gabi ay nagroronda sa Burnham Park ang security guard na si Christian Ayyom, 23,partikular na sa madilim na bahagi ng waiting shed nang marinig nito ang halinghing ng isa sa magkasintahan.
Nang kanyang ilawan ng flashlight ay naaktuhang nakaupo sa kongkretong upuan ang lalaki habang ang kasintahan nito ay nakaluhod at ino-oral sex ito.
Agad tumayo ang nasabing babae habang nakahubad pa ang pantalon ng nasabing lalaki nang hulihin ng guwardiya.
Dinala ng guwardiya sa himpilan Baguio Tourist Police Unit bago ang mga ito dinala sa Police Station 7 ng Baguio City at nahaharap ang magkasintahan sa kasong public scandal.
- Latest