FDA nagbabala sa 2 food supplement na panlalaki
MANILA, Philippines — Nagpalabas ng public health warning ang Food and Drugs Authority (FDA) sa mga consumer laban sa mga produktong ‘MS for Male tablet Herbal Dietary Supplement” at “Bravo Maca + Jatropha + Corynaea Crassa Food Supplement for Men.”
Sa sampling ng FDA, natuklasan nilang naglalaman ng “Nortadalafil at Tadalafil” na mga sangkap ang dalawang food supplement. Ang Tadalafil ay isang “prescription drug” para gamutin ang problemang sekswal tulad ng “impotence” at “erectile dysfunction” habang ang Nortadalafil ay isang sangkap naman ng Tadalafil.
Maaari umanong makaranas ng iba’t ibang “side effects” ang taong makakainom ng naturang mga kemikal tulad ng sakit ng ulo, hirap matunawan, sipon, pagtatae, biglaang paghina ng pandinig, hirap sa paghinga na may kasamang ingay sa tainga, sensasyon sa dibdib, kamay, leeg o panga, paninigas ng masel, sakit ng likod, pabago-bagong paningin, at pagkahilo.
Pinayuhan ng ahensya ang mga consyumer na tigilan ang pagtangkilik sa nabanggit na mga food supplement, magpakonsulta sa mga health experts kung nakakaranas ng mga nabanggit na side effects.
- Latest