Malacañang sa commuters: Tiis muna sa jeep at bus fare hike
MANILA, Philippines — “This is just temporary so hopefully when everything settles down, babalik tayo sa dati.”
Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo at umapela sa mga apektadong commuters sa pagtaas ng pamasahe sa jeepney at bus simula sa susunod na buwan na magtiis muna dahil hindi naman ito permanente.
“We really have to take the brunt sa ngayon...tingin ko tama ang sinasabi ng economic managers. Di naman ito permanente,” dagdag pa ni Sec. Panelo sa media briefing kahapon ng umaga.
Magugunita na inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P2 na fare increase sa pamasahe sa jeepney habang P1 naman ang inaprubahang taas pasahe sa mga bus.
Dahil sa fare increase ay magiging P10 na ang minimum na pamasahe sa jeepney mula sa kasalukuyang P8 habang may dagdag na P1 naman sa minimum fare sa ordinary bus at air-con bus sa Metro Manila at provincial bus.
- Latest