PRRC nasungkit ang 1st Asia River prize award
MANILA, Philippines — Nakamit ng Ilog Pasig ang prestihiyoso at kauna-unahang 2018 Asia River prize na ipinagkaloob ng International River Foundation (IRF) sa ginanap na 21st International Riversymposium sa Sydney, nito lamang Oktubre 16, 2018.
Sa kompetisyong dinaluhan ng mga ipinadalang delegado ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia, inihayag ng mga hurado ang kanilang paghanga sa mala-dambuhalang suliraning hinarap ng PRRC upang maipanumbalik ang dating kagandahan ng Ilog Pasig.
Dulot nito, inihatag ng IRF ang tagumpay ng 27 kilometrong Ilog Pasig sa isa pang finalist na Yangtze River ng maunlad na bansang China na kinatawan ng Asian Development Bank.
“This global recognition is for President Duterte and every Filipino river warrior. Ito na ‘yung bunga ng ating Puso para sa Ilog Pasig kaya itutuloy-tuloy lang natin ang ating mga programa, dagdag ni Goitia.
- Latest