^

Police Metro

3 dinakip sa pambabastos sa Lupang Hinirang

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang inaresto matapos ang ginawang pambabastos habang tumutugtog ang Lupang Hinirang sa flag raising sa San Jose, Batangas kamakalawa.

Ang mga inaresto ay kinilalang sina Jella Espeleta, 22 ng Batangas City; Marissa Rendon, 36; at Reymar Andal, 25 ; pawang taga San Jose, Batangas.

Batay sa ulat, pasado alas-7:00 ng umaga nang nang maaresto ang tatlo sa paglabag sa RA8491 o ang Heraldic Code of the Philippines sa Brgy. Taysan, San Jose ng lalawigan.

Sina Jella Rose at Marissa ay inaresto dahil sa pag­lalakad habang tumutugtog ang pambansang awit na Lupang Hinirang; habang si Reymart ay hinuli naman dahil sa hindi ito tumayo.

Magugunitang noong unang bahagi ng Setyembre ng taong ito, 34 na manonood sa isang sinehan sa Brgy Malinis, Lemery, Batangas ang inaresto dahil sa hindi pagtayo habang tinutugtog ang pambansang awit sa loob ng isang sinehan.

LUPANG HINIRANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with