2,261 silid aralan nasira kay ‘Ompong’
MANILA, Philippines — Aabot sa 2,261 silid aralan sa 303 na paaralan ang sinasabing nawasak sa pananalasa ng bagyong Ompong sa Luzon.
Sinabi ni Department of Education (DepEd) Usec. for Administration Alain Pascua, ang 438 silid-aralan ang wasak na wasak, 624 ang may major damage, at 1,199 ang may minor damage.
Pinakamatinding napinsala ng bagyo ang Region 2 (Cagayan Valley) kung saan 971 silid-aralan na nasira, na nagkakahalaga ng P435 milyon.
Sa Region 1 (Ilocos Region), 779 classrooms ang napinsala ng malakas na hangin at ulan na nagkakahalaga ng P282 milyon habang sa Cordillera Administrative Region ay 360 classrooms naman ang napinsala o may kabuuang halagang P167 milyon.
Sa Region 3 (Central Luzon) naman ay may 99 classrooms ang nasira sa halagang P53 milyon habang sa Region 5 (Bicol Region), ay 34 classrooms ang napinsala sa halagang P44 milyon.
Agad din ipinag-utos ni Education Secretary Leonor Briones ang agarang rehabilitasyon at pagkukumpuni sa mga nasirang paaralan.
- Latest