Xiamen Airlines pinagmulta ng P72-M
MANILA, Philippines — Nasa P72 milyon ang multa na babayaran ng Xiamen Airlines sa gobyerno dahil sa nilikha nitong problema nang sumadsad ang kanilang eroplano noong Agosto 16 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
“Umaabot na po sa almost P72 million. Meron na kaming pinag-uusapan na karagdagdagang P42 million plus,” wika ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Eddie Monreal sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senate committee on public services na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe.
Ayon pa kay Monreal sa komite, nakausap na nila noong Biyernes ang finance officer ng Xiamen Airline at siniguro naman ng mga ito na babayaran nila ang kanilang penalty.
Magugunita na libu-libong pasahero ang naapektuhan nang pagsadsad ng eroplano ng Xiamen Airlines sa NAIA na naging dahilan upang makansela ang kanilang mga flights.
- Latest