Pinas pinuri ng UN sa disaster resiliency
MANILA, Philippines — Pinuri ng United Nations ang Pilipinas sa pagiging una sa disaster risk reduction na napatunayan nitong nagdaang malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Ito ay matapos ilunsad ng National Resilience Council (NRC) ang Disaster Resilience Scorecard (DRS) para sa mga lokal na yunit ng pamahalaan upang magdala ng Disaster Risk and Reduction Management (DRRM) sa lokal na antas.
Pinapurihan ni Mami Mizutori, bagong Special Representative ng Secretary General for Disaster Risk Reduction (UNISDR) ang inisyatiba na isinagawa ng pambansang pamahalaan at pribadong sektor sa paggawa ng Pilipinas ang isa sa disaster resilient countries.
Ayon kay Mizutori,” nagniningning na halimbawa” ang ginagawa ng Public-Private Partnership sa pamamahala ng kalamidad na pinangungunahan ng UNISDR Private Sector Alliance para sa Disaster Resilient Societies (ARISE)-Pilipinas at National Resilience Council (NRC) na pinangunahan ng Hans Sy, Tagapangulo ng Executive Committee ng SM Prime Holdings.
Ang ARISE Philippines ay UNISDR-led network ng private sector entities na may 64 na kasapi na natutulungan sa pagbibigay ng mga impormasyon, karanasan, aktibidades at proyekto sa public sector at ibang stakeholders para bumuo ng risk-resilient societies.
- Latest