^

Police Metro

Aktor sa ‘Ang Probinsyano’ pinatay

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pang-masa
Aktor sa âAng Probinsyanoâ pinatay
Ayon sa mga kaanak ng biktima na noong Lunes pa nila ito tinatawagan sa kanyang cellphone, pero hindi sumasagot kaya’t tinungo nila ang bahay at dito natuklasan ang bangkay ng biktima sa sala na nakasuot lang ng underwear at medyas.
File

MANILA, Philippines — Isang aktor sa teleserye na “Ang Probinsyano” ni CoCo Martin ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay kamakalawa  sa Silang, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Arnold Corpuz, 38, na nagtamo ng mga saksak sa likod, dibdib at braso.

Si Corpuz ay gumanap na isang mayor na inambush sa Ang Probinsyano, at gumanap din ito ng maikling mga papel sa Bagani at Be Careful With My Heart.

Ayon sa mga kaanak ng biktima na noong Lunes pa nila ito tinatawagan sa kanyang cellphone, pero hindi sumasagot kaya’t tinungo nila ang bahay at dito natuklasan ang bangkay ng biktima sa sala na nakasuot lang ng underwear at medyas.

Nawawala rin ang dalawang cellphones at ilang alahas ng biktima na mag-isang namumuhay at paminsan-minsan ay mayroon itong mga bisita sa kanyang bahay.

Batay pa sa ulat na may tatlong bote ng alak ang natagpuan sa balkonahe ng biktima na indikasyon na may kasama ito bago nangyari ang krimen.

Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang isang gunting malapit sa katawan ng biktima at patalim sa ikatlong palapag ng bahay ng biktima na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Si Corpuz ay nakunan pa ng CCTV habang papalabas sa kaniyang sasakyan  noong Linggo at bumili ng softdrinks sa isang convenience store sa nasabing bayan habang ang hindi pa nakilalang kasama nito ay  hindi lumabas at nasa loob lamang ng behikulo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagpatay.

ARNOLD CORPUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with