^

Police Metro

Rice traders, binalaan ng NFA

Angie dela Cruz - Pang-masa
Rice traders, binalaan ng NFA
Ang pahayag ay ginawa ni NFA Administrator Jason Aquino dahil sa paglipana umano ng mga mapagsamantalang rice traders at nagmamanipula ng halaga ng bigas sa mga pamilihan.
File

MANILA, Philippines — Binalaan ng National Food Authority (NFA) ang mga rice traders na nanloloko at nananamantala sa suplay at presyuhan ng bigas sa bansa.

 

Ang pahayag ay ginawa ni NFA Administrator Jason Aquino dahil sa paglipana umano ng mga mapagsamantalang rice traders at nagmamanipula ng halaga ng bigas sa mga pamilihan.

Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon ng NFA sa National Bureau of Investigation (NBI) sa patuloy na kampanya laban sa illegal rice trade at manipulasyon ng halaga ng bigas .

Nakarating ang sumbong kay Aquino na may mga rice traders na nagsasagawa ng  rebagging at paghahalo ng NFA rice commercial rice para maibenta ito ng mas mahal sa merkado.

Inatasan din ni Aquino si NFA National Capital Region Dir. Carlito G. Co bilang NFA focal person na makikipag-ugnayan sa NBI para maisagawa ang warehouse inspection nationwide at tuloy mahuli ang mga tiwaling negosyante na nagtatago ng bigas at nag-iimbak ng NFA rice at saka ibebenta sa mas mataas na halaga.

Sa ulat ng Security Services & Investigation Department (SSID),  nakapag-inspeksiyon na ang NFA ng may 53,662 establishments nationwide mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.  Sa ginawang pagsusuri, may 4,774 rice traders ang nahuli na lumabag sa mga batas at patakaran hinggil sa trading laws.

vuukle comment

NFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with