^

Police Metro

Mayor Sara ‘di tatakbong senador sa 2019

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa
Mayor Sara ‘di tatakbong senador sa 2019
Nakipag-selfie sina Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at ibang lider-political na nakipag-alyansa sa Hugpong ng Pagbabago.

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara  Duterte-Carpio, na hindi siya tatakbong senador sa 2019 Election sa ginanap na signing agreement sa bago nitong binuong partido,  na Hugpong ng Pagbabago (HNP) na kinabibilangan ng 9 na political leaders,  na ginanap sa Blue Leaf Filipinas sa Macapagal Avenue, Parañaque City.

Kabilang sa lumagda sa alliance agreement ang Nationalista Party, National Unity Party at Nationalist People’s Coalition.

Sumama rin ang anim local political parties mula sa Bohol, Ilocos Norte,  Misamis Oriental, Pampanga, Zamboanga at Quezon City.

Nasa siyam na partido ay nagsanib pwersa bilang preparasyon sa 2019 election at bawat political leaders ay nagpapasalamat kay Mayor Sara sa pagtanggap sa kanyang partidong HNP.

Hindi pa tiniyak  ng HNP kung sino ang susuportahan na mga kandidato sa pagka senador sa 2019 midterm elections, ngunit meron na silang napipisil na walo na hindi muna pinangalanan.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with