^

Police Metro

Tokhang ops vs 1K na narco cops

Joy Cantos - Pang-masa
Tokhang ops vs 1K na narco cops
Ayon pa kay Alba­yalde na walang masama kung pati mga pulis ay isailalim sa surveillance sa pagbibigay ng proteksiyon sa illegal na droga ay isama na rin sa ito-tokhang kaugnay ng puspusang internal cleansing ng PNP.
Edd Gumban/File

MANILA, Philippines — Nakatakdang itok­hang ang nasa mahigit 1,000 police scalawags na umano’y nagsisilbing protektor ng droga at sangkot sa illegal drug trade.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Alba­yalde na walang sinasanto ang PNP maging pulitiko man, mga ordinaryong sibilyan at higit silang mahigpit kung pulis ang sangkot sa drug trade.

“Yung mga kababayan nga natin na nasa watchlist lang tino-tokhang natin, what can’t we do it to our police personnel also. Sabi nga natin wala tayong sinasanto dito whether you are a policeman, ordinary civilian or politician”, wika ni Albayalde.

Ayon pa kay Alba­yalde na walang masama kung pati mga pulis ay isailalim sa surveillance sa pagbibigay ng proteksiyon sa illegal na droga  ay isama na rin sa ito-tokhang kaugnay ng puspusang internal cleansing ng PNP.

Tiniyak ni Albayalde na walang magiging paglabag sa karapatang pantao sa isasagawang pag-tokhang sa mga pulis na sangkot sa droga ma­ging protektor man ang mga ito.

“Kung wala talaga tayong makuha pero merong indications kumbaga ang ginagawa natin sa mga ito as a preventive measure is we relieve from their regions and we reassign them as far as Mindanao, kung taga Luzon siya yung taga Mindanao naman tinatanggal natin at ina-assign natin sa  Luzon”, anang opisyal.

Nilinaw ni Albayalde na bagaman ire-report ng PNP ang bilang ng mga pulis na maisasailalim sa tokhang operations ay hindi muna isasapubliko ang pangalan ng mga ito  habang patuloy ang masusing imbestigasyon.

OSCAR ALBA­YALDE

POLICE SCALAWAGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with