Quezon City residents nailigtas ng TF Flood Control ng PRRC
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pasig River Rehabilitation (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia ang rescue operations sa pamamagitan ng Task Force Flood Control sa mga residente ng Barangay Roxas, Quezon City na naapektuhan ng baha sanhi ng pag-apaw ng San Juan River nitong Agosto 11.
Binuo ni Goitia ang Task Force Flood Control ng PRRC na binubuo ng River Warriors, River Patrols at iba pang empleyado ng ahensiya na nakipag-ugnayan sa opisyales ng Barangay Roxas District upang mailikas ang mga naipit na residente sa ligtas na lugar.
Tinulungan ng PRRC Task Force Flood Control ang mga residente sa tabing ilog sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City sanhi ng mataas na tubig sa San Juan River at pagbaha.
Tumulong din ang pamahalaang lokal ng Quezon City sa rescue operations ng PRRC Task Force Flood Control.
- Latest