Korapsiyon talamak pa rin!-DU30
Sa local government mas grabe...
MANILA, Philippines — Sa kabila ng kampanya ng pamahalaan laban sa korapsiyon ay inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘buhay na buhay’ ito sa bansa lalo sa local governments.
“The corruption is still malawak, talagang malawak. And even in the local governments, mas grabe. Sabihin ko sa inyo. And it’s the very thing that is really pulling us down: corruption... corruption is still very much alive,” wika ni Pangulong Duterte sa kanyang mesnahe sa 68th National Security Council at 69th National Intelligence Coordinating Agency founding anniversary kamakalawa sa Pasay City.
Nabatid na ito ay campaign battle cry ni Duterte noong tumatakbo pa ito sa 2016 presidential elections hanggang sa maging pangulo na ito.
Makailang ulit na ring binanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang mga speeches na mahigit 37 opisyal na nasangkot sa iregularidad o corruption ang kanyang sinibak sa tungkulin o nagbitiw sa kanilang mga puwesto habang 11 sa mga ito ay binigyan muli ng posisyon sa gobyerno at 2 lamang ang nakasuhan sa korte.
“Graft and corruption talagang hinahabol ko. I was there in Cagayan yesterday to destroy para matapos na ‘yan eh. Pabalik-balik ‘yang issue na ‘yan smuggling tapos walang kukuha.Then right after a few months, the auction office will announce that it would sell,” dagdag pa ng Pangulo.
- Latest