Otis Bridge gigibain
MANILA, Philippines — Gigibain at isasailalim sa total replacement ang Otis Bridge sa Paco, Maynila, makaraang makitaan ng mga bitak at sira ang gitnang bahagi.
Ayon kay DPWH District Engineer Mike Macud, nasa 50 taon nang nakatayo ang nasabing tulay kaya may kalumaan na ito at dapat anya noong 2016 pa dapat kumpunihin ang nasabing tulay na hindi ito natuloy dahil inuna ang proyekto ng skyway.
Aabutin ng hanggang isang taon ang pagsasaayos ng tulay dahil ito ay buong papalitan.
Gayunman, sa oras aniya na dumating ang mga equipment ay maari nang simulan ang paggiba at total replacement ng tulay.
Nagkaroon na rin ng force evacuation sa mga residenteng nakatira sa ilalim ng tulay na pansamantala munang pinatuloy sa Barangay 381 ang mga residente.
- Latest