^

Police Metro

Riding in tandem todas sa barilan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang holdaper na sakay ng motorsiklo ang nasawi nang sila ay makipagbarilan sa mga humahabol na pulis matapos na kanilang holdapin ang isang babae kahapon ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila.

Inilarawan ang isang suspek na nakasuot ng itim na hooded jacket, itim na shortpants, nasa 30-35 ang edad at may taas na 5’1” habang ang isa ay nasa 35-40 ang edad, nakasuot ng t-shirt na puti at jersey shorts na miyembro umano ng Commando Gang base sa nakitang  tattoo sa katawan.

Narekober sa crime scene  ang dalawang  kalibre 38 baril na walang serial numbers na may tig-apat na bala; 4 na sachet ng marijuana at 4 na sachet ng shabu, isang MyPhone cellphone, isang Hotway cellphone; P500 cash, isang tribal shoulder bag na maraming identification cards ng isang “Theresa Rayo”.

Batay sa ulat rumes­ponde ang mga tauhan ni Supt. Andrew Aguirre nang humingi ng saklolo ang isang babae na hinoldap umano ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo.

Nang may mamataan na riding in tandem ang mga beat patroller pasado ala-1:00 ng madaling araw na akma sa paglala­rawan ng biktima ay sinubukang harangin ang motorsiklo, ubalit hindi umano huminto  at sa halip ay pinaputukan ang mobile patrol car na tinamaan ng bala ang bumper.

Nauwi sa habulan hanggang sa makarating sa tapat ng footbridge sa bahagi ng Ramon Magsaysay Boulevard at Altura St., Sampaloc, Maynila, kung saan naganap ang palitan ng putok na ikinasawi ng dalawang suspek.

vuukle comment

RIDING TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with