^

Police Metro

Suspek sa pagpaslang ng mayor sa Bohol patay sa engkuwentro

Joy Cantos - Pang-masa
Suspek sa pagpaslang ng mayor sa Bohol patay sa engkuwentro
Kinilala ni Supt. Reymand Tolentin, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 7 ang napatay na suspek na si Emigdio Aparece Jr., 22, isa sa tatlong salarin sa pamamaril kay Tirol.

MANILA, Philippines — Napatay ng arresting team ng pulisya ang isang lalaki na miyembro ng gun for hire na hinihinalang isa sa mga suspek sa ambush–slay kay Mayor Ronald Lowell Tirol ng Buenavista, Bohol sa naganap na shootout sa Sitio Sta Ana, Brgy. Concepcion, Danao kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Supt. Reymand Tolentin, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 7 ang napatay na suspek na si Emigdio Aparece Jr., 22, isa sa tatlong salarin sa pamamaril kay  Tirol.

Bago nangyari ang engkuwentro dakong alas-2:15 ng madaling araw ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya sa kinaroroonan ni Aparece kaya’t rumes­ponde ang mga otoridad para ito arestuhin.

Sa halip na sumuko ay agad umanong pinaputukan ng suspek ang paparating  na mga operatiba na nauwi sa shootout na ikinasawi ng suspek.

Si Aparece ay natukoy na isa sa tatlong suspek na responsable sa pamamaslang kay  Mayor Tirol sa loob ng isang sabungan na pag-aari ng alkalde sa Buenavista, Bohol noong nakalipas na Mayo 27 ng taong ito.

Ang suspek ay nagsilbi umanong lookout sa krimen habang si Elmer Melencion ang triggerman o bumaril sa target na alkalde.

Si Aparece ay may patong na P 200,000 sa ulo ay siya ring itinuturong pumaslang kay SPO1 Alejandro Estorgio ng Buenavista Police noong nakalipas na Peb­rero habang nagsasagawa ng pagpapatrulya kaugnay ng disco party sa kanilang bayan.

vuukle comment

RONALD LOWELL TIROL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with