Pagsuspinde ng excise tax nasa kamay ng Kongreso
MANILA, Philippines — Kailangan ang batas upang masuspinde ang pagpapatupad sa excise tax sa mga produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN law.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing kahapon, dahil labag sa batas kapag ang Presidente ang magsuspinde.
Ayon pa kay Roque, may kautusan na rin ang Pangulo na umangkat ng krudo sa non-OPEC countries tulad ng Russia na mas mababa ang presyo kumpara sa inaangkat sa Gitnang Silangan.
Siniguro din ni Roque na gagawin ng Malacañang ang lahat ng option upang mabawasan ang magiging epekto ng TRAIN Law particular sa mahihirap.
- Latest