^

Police Metro

BEI’s na mga guro sa ‘critical areas’ handang palitan ng PNP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung sakaling umatras ang mga guro na magsisilbing mga Board of Election Inspectors (BEI) sa mga delikadong lugar kaugnay sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14 ay handa umano ang mga miyembro ng PNP na humalili.

Ayon kay PNP Chief P/Director Oscar Albayalde na wala itong magiging problema sa kanilang hanay basta’t may go signal at hilingin ng Commission on Elections (Comelec).

Tinukoy ng PNP Chief na sa lalawigan ng Kalingay ay may ipinadala ng kahilingan sa kanila ang Comelec na ang mga pulis ang humalili sa mga guro sa mga polling­ precinct matapos na umatras na ang mga guro dito bunga ng pangamba sa seguridad mula sa kampo ng magkakalabang kandidato.

BOARD OF ELECTION INSPECTORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with