Terminal ng 5 bus firm ipinasara
MANILA, Philippines — Dahil sa paglabag sa nose-in, nose-out policy ay ipinasara kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang limang bus company terminals kahapon ng hapon.
Ang mga terminal ng bus company na ipinasara ng MMDA ay ang DLTB Co, Lucena Lines Inc., 2 terminal ng Raymond Bus na matatagpuan sa Southbond EDSA sa Cubao, Quezon City at Superlines, na matatagpuan naman sa Northbound.
Ayon kay MMDA Operation Supervisor Bong Nebrija, noong nakaraang taon ay ipinasara na aniya ang nasabing mga bus terminals dahil hindi sila nakapag-comply sa mga itinakdang requirements ng MMDA.
Tulad ng terminal permit, paglabag sa nose-in, nose-out policy at iba pang violation.
Pinayagan nila itong makapag-operate sa pangakong iko-comply ang mga requirements ng ahensiya subalit ang tumugon lamang ay ang Genesis Bus Terminal.
Nang muling balikan ang naturang mga bus terminal ay hindi pa rin tumugon sa itinakdang requirements ng MMDA kaya’t ipinasara na ito.
- Latest