^

Police Metro

Bulacan drug ops: 13 pusher napatay

Joy Cantos - Pang-masa
Bulacan drug ops: 13 pusher napatay
Sa ulat na tinanggap ni Police Regional Office (PRO) 3 Chief Supt. Amador Corpus mula sa Bulacan Police, pasado alas-12:01 ng madaling araw nang magsimula ang simultaneous anti-drug operations sa buong lalawigan.
FIle

MANILA, Philippines – Labintatlong lalaki na umano ay mga drug pusher ang nasawi nang manlaban sa magkakahiwalay  na  anti-drug  ope­rations sa lalawigan ng  Bulacan, kahapon.

Sa ulat na tinanggap ni Police Regional Office (PRO) 3 Chief Supt. Amador Corpus mula sa Bulacan Police, pasado alas-12:01 ng madaling araw nang magsimula ang simultaneous anti-drug operations sa buong lalawigan.

Nasa 49 anti-drug ope­rations ang inilunsad ng Bulacan Police  kabilang dito ang 46 buy bust operations, isa sa checkpoint at dalawa naman ang sinilbihan ng warrant of arrest.

Nasa 13 armadong kalalakihan ang nasawi sa bakbakan sa Bocaue, Pandi, Sta Maria, Malolos City, Plaridel, Pulilan, San Jose del Monte City; Baliwag at San Rafael.

 Nasa 58 namang drug pushers ang nasakote kabilang ang High Value Target na si movie actor Julio Diaz, Mariano de Leon sa tunay na buhay .

Nakumpiska naman sa operasyon ang 216 sachets ng shabu na tumi­timbang ng 72.04 gramo habang nakasamsam din ng isang brick ng marijuana at 26 ring sachet ng pinatuyong dahon na tumitimbang ng 510.9 grams. Ang nasabing droga ay tinatayang nagkakahalaga ng P 488, 439.00.

Nasamsam din sa ope­rasyon ang 12 cal. 38 pistols, isang cal. 45 pistol, isang 9 MM pistol, isang hindi pa natukoy na kalibre ng armas at isang granada.

Sa panig naman ni PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao, patunay lamang na ang pagkamatay ng 13 drug suspect sa Bulacan na handa ang mga sindikato ng droga na makipagpatayan para sa  kanilang illegal na aktibidades.

 

BULACAN DRUG OPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with