^

Police Metro

53 lugar sa Metro Manila nasa election hotspot

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinukoy ng National Capital Region Police Office na 53 lugar sa Metro Manila ang nasa election watchlist na mahigpit na babantayan kaugnay ng gaganaping Barangay at Sanggunian Kabataan (SK) elections sa Mayo 14 ng taong ito.

Ito ang inihayag kahapon ni incoming PNP Chief at kasalukuyang NCRPO Director Oscar Albayalde na kabilang sa mga nasa election watchlist dahilan sa mainit na labanan ng mga kandidato ay ang mga barangay sa hilaga at katimugang bahagi ng Metro Manila na  kinabibilangan ng mga lugar sa Navotas; mga lungsod ng Caloocan at Taguig .

 Upang matiyak ang seguridad at mapayapang pagdaraos ng halalan ay tinatayang 15,000 pulis ang ipakakalat ng NCRPO sa mga polling precints  sa araw ng botohan at maging sa bilangan gayundin sa pagproproklama ng mga nagwaging kandidato.

Inihayag ni Albayalde na ang nasabing mga lugar ay dati nang nakapagtala ng karahasang may kinalaman sa Barangay at Sanggunian Kabataan elections noong 2013.

SANGGUNIAN KABATAAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with