^

Police Metro

6 sugatan... crane bumagsak: 2 todas

Danilo Garcia - Pang-masa
6 sugatan... crane bumagsak: 2 todas
Nangangalap ng ebidensiya ang mga imbestigador matapos na bumagsak ang tower crane sa construction site ng STI Academic Building sa kahabaan ng EDSA sa rooftop ng isang restaurant na ikinasawi ng dalawang tao at pagkasugat ng anim na iba pa.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang lalaki habang anim na iba pa ang nasugatan kabilang ang isang Chinese national makaraang bumagsak ang isang crane ng isang contruction site ng isang gusali, kahapon ng hapon sa Pasay City.

Namatay habang dinadala sa ospital ang biktimang si Jonathan Di­serdo, 32, crane operator ng Monocrete Construction Inc., habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang lalaki na nasawi noon din.

Ang mga sugatan ay kinilalang sina  Kumbo Mabunay, 24 at Jay Ballon, 29, kapwa tauhan ng Mo­dern Security Agency na nakatalaga sa construction site; at lima pang obrero na sina Francisco Angcatan, 59; Melvin Yosores, 28; Elmer Sedol, 46 at Chinese national na si Liu Shen Xiu, 30.

 Lumalabas sa imbestigasyon, bago naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng hapon sa construction site ng STI Building sa kanto ng P. Calle at EDSA ay isini-set-up ang crane tower nang bumagal ang umano’y pressure sa “hydraulic cylinder” dahilan para bumagsak ito.

Dito ay nabagsakan ng boom o ang mahabang bakal ng crane ang katapat na Core Town Building na agad na ikinasawi ng hindi nakilalang lalaki na nabagsakan at pagkasugat ng iba pa.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang pananagutan ng contractor.

CRANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with