^

Police Metro

Ex-DPWH Sec. Singson, 20 pa inireklamo sa Ombudsman

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pang-masa
Ex-DPWH Sec. Singson, 20 pa inireklamo sa Ombudsman
Inireklamo ng NBI ang paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Practices Act laban sa mga respondents matapos lumabas sa isinasagawang 6 na buwang pagsisiyasat ng pinagsanib na NBI-National capital Region at NBI-Central Mindanao Regional Office (CEMRO) Region 12 ang anomalya umano sa RROW.
Marc Jayson Cayabyab/File

MANILA, Philippines — Nagsampa ng reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI) ng katiwalian laban sa da­ting kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Rogelio Singson, mga dati at kasalukuyang opisyal at kawani at iba pang pribadong indibidwal kaugnay sa kontrobersiyal na Road  Right of Way (RROW) Project Scam sa General  Santos City sa Office of the Ombudsman.

Inireklamo ng NBI ang paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Practices Act laban sa mga respondents matapos lumabas sa isinasagawang 6 na buwang pagsisiyasat ng pinagsanib na NBI-National capital Region at NBI-Central Mindanao Regional Office (CEMRO) Region 12 ang anomalya umano sa RROW.

Nag-ugat ang isyu sa liham na ipinadala ng isang Roberto Catapang sa Department of Justice  na ibinunyag naman kaagad ni Sec. Vitaliano Aguirre ang RROW Project Scam sa Regions 12 at 13.

Inilagay na sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) si Catapang na una nang nagsabing siya ay dating miyembro ng sindikato na nakiki­pagsabwatan sa mga opisyal ng DPWH at empleyado na may kina­laman sa fabricated at fake documents na isinusumite kabilang ang Land Titles (TCT/OCT), Special Po­wer of Attorney, Tax Declarations, Appraisal Reports at iba pa para sa RROW Project.

Natunton din na may mgakasabwat din sa Commission on Audits, City Assessor’s Office at Land Registration Authority .

Ang 7 mula sa 50 ng Disbursement Vou­chers, natuklasana na ang 9 claims for compensation ng 7 claimants ay nabayaran ng buo sa ha­lagang P255,549,000.00 subalit ang mga suppor­ting document tulad ng ID ng Philhealth, Postal ID ng claimants, TCTs, Tax Declarations, City Appraisal Reports, City Treasurer’s Cert. on Real Property Tax Receipts at iba pa na naka-attach sa claims nang iberipika ay pawang mga peke.

ROGELIO SINGSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with