Aquino inaprubahan ang pondo sa pagbili ng Dengvaxia
MANILA, Philippines — Inihayag ni dating Budget Secretary Butch Abad sa pagdinig ng Kamara na ang pondo para sa Dengvaxia ay hindi naisama sa 2015 budget dahil wala pa silang certificate of product registration o CPR mula sa Foods and Drugs Administration (FDA)
Nang mailabas na ang CPR ay nagpadala na ng memo ang Departmeent of Health (DOH) sa DBM na nagrerekomenda ng paggamit ng savings para magamit sa pagbili ng Dengvaxia.
Ang memo ng DOH ang nagtulak sa DBM para irekomenda naman kay dating pangulong Aquino ang pagdedeklara ng savings at pag-augment nito sa kailangang gastusin.
Inayunan naman ni Aquino ang naging pahayag ni Abad, subalit sinabi niya na nakumbinsi sila noon na bilihin ang nasabing bakuna dahil sa pangako nitong mag i-induce sa katawan ng nabakunahan para mag produce ng anti-bodies
Subalit sa huli, bigla na lamang umanong nagbigay ng pahayag ang Sanofi na makakapagdulot pala ng severe dengue ang Dengvaxia kapag naibakuna ito sa hindi pa nagkakaroon ng nasabing sakit.
- Latest