Rappler reporter bawal na sa Malacañang
MANILA, Philippines — Bawal nang makapasok sa Malacañang ang Rappler reporter na si Pia Ranada.
Ito ang sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing nito sa Sara, Iloilo, sa lahat ng gate ng Malacañang ay hindi na papayagan na makapasok si Ranada pero hindi naman siya pinagbabawalang magsulat.
Wika pa ni Roque, live naman sa PTV4 ang kanyang mga briefings kaya puwede ding mag-cover dito si Ranada.
Ipinaabot na kay Ranada ni PCOO Usec. Mia Reyes kamakalawa ng gabi ang bagong kautusan na pinagbabawalan ng makapasok sa lahat ng gates ng Malacañang ang Rappler reporter.
Nilinaw naman ni Executive Sec. Salvador Medialdea na sinusunod lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) kaugnay sa registration ng Rappler.
Hindi umano ito usapin ng press freedom kundi ng SEC registration ng Rappler.
Related video:
- Latest